LWUA pinatutulong ni Pangulong Duterte sa pagkukumpuni sa water system sa Catanduanes
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Local Water Utilities Administration o LWUA na magtungo sa Catanduanes at tumulong sa pagkukumpuni sa water system doon.
Pahayag ito ng pangulo matapos mawalan ng suplay ng tubig ang Catanduanes dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.
“Well, I’m sure that one of them or any one of them are listening now. I’m directing LUWA to help. Go there and repair. Help repair the water system,” ayon sa pangulo.
Ayon sa pangulo, kailangan na maibalik agad sa normal ang suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.
Nag-aalala ang pangulo na walang malinis na tubig na maiinom ang mga residente sa Catanduanes.
“Have it function — well, to function immediately. Walang tubig ‘yung mga tao doon. So let it not be a thing just to be talking about. I want to know if there is somebody there already working on it,” dagdag ng pangulo.
Una rito, sinabi ni Catanduanes Governor Joseph Cua na sa mga poso na lamang muna ngayon kumukuha ng tubig ang mga residente roon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.