Negosyanteng sangkot sa money laundering nakalabas na ng bansa

By Den Macaranas March 15, 2016 - 04:49 PM

Kim Wong
Inquirer file photo

Naka-alis na ng bansa ang isa sa mga negosyanteng iniuugnay sa $81Million money laundering controversy sa Philippine banking system.

Sa record ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinasabing lumabas ng bansa noong March 4 ang negosyanteng si Kim Wong sakay ng Philippine Airlines flight PR300 papuntang Hong Kong.

Si Wong kasama ang ilan pang mga negosyante na kabilang sa mga iniimbestigahang  mga RCBC account holders ay imbitado sa imbestigasyon na isinasagawa ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Magugunitang minsan na ring sumalang sa imbestigasyon ng Senado si Wong ilang taon na ang nakalilipas dahil sa kanyang involvement sa illegal drug activities.

Kilala rin si Wong sa hanay ng pulitika dahil nagsilbi siyang financier ng ilang mga kandidato sa mga nakalipas na panahon.

Sa pagdinig kanina, sinabi ni committee chairman Sen. TG Guingona na hindi na rin matagpuan sa kani-kanilang mga ibinigay na address sina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez.

 

Ang nasabing mga negosyante ay sumasailalim na rin sa hiwalay na imbestigasyon na ginagawa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

TAGS: AMLC, Blue Ribbon, Kim Wong, RCBC, Senate, AMLC, Blue Ribbon, Kim Wong, RCBC, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.