Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, base sa paunang assessment, malawak ang naging pinsala ng nagdaang kalamidad sa agrikultura, istruktura at mga kabahayan sa kanilang rehiyon.
Dahil anya kamakailan ay sinalanta rin sila ng Bagyong Quinta, bukod pa sa kinakaharap na pandemya, kaunti na lamang ang resources ng Bicol Region para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.
Kaya naman umapela ng tulong si Co sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor para sa pagkain, construction materials at tulong-pinansyal para muling makabangon ang libo-libong Bicolano.
Sabi ng kongresista, makikipagtulungan siya sa kaukulang mga ahensya para makapagtayo ng temporary shelter para sa mga nawalan ng bahay dahil sa bagyo.
Kasabay nito’y nagpaabot naman ng pakikiramay ang kinatawan ng Ako Bicol partylist sa mga pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng Supertyphoon Rolly.