Tulong para sa mga kababayang nasalanta ng Bagyong Rolly hiniling ng Bicolano solons

By Erwin Aguilon November 03, 2020 - 11:18 AM

Nanawagan ng tulong para sa pagkain, damit at tirahan ang Ako Bicol Partylist para sa kanilang mga kababayan sa Bicolandia na apektado ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co, base sa paunang assessment, malawak ang naging pinsala ng nagdaang kalamidad sa agrikultura, istruktura at mga kabahayan sa kanilang rehiyon.

Dahil anya kamakailan ay sinalanta rin sila ng Bagyong Quinta, bukod pa sa kinakaharap na pandemya, kaunti na lamang ang resources ng Bicol Region para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Kaya naman umapela ng tulong si Co sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at sa pribadong sektor para sa pagkain, construction materials at tulong-pinansyal para muling makabangon ang libo-libong Bicolano.

Sabi ng kongresista, makikipagtulungan siya sa kaukulang mga ahensya para makapagtayo ng temporary shelter para sa mga nawalan ng bahay dahil sa bagyo.

Kasabay nito’y nagpaabot naman ng pakikiramay ang kinatawan ng Ako Bicol partylist sa mga pamilya ng mga nasawi sa pananalasa ng Supertyphoon Rolly.

 

 

 

 

 

TAGS: aftermath, Bicol Region, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, super typhoon, Super Typhoon RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website, aftermath, Bicol Region, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, super typhoon, Super Typhoon RollyPH, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.