Ayon sa pahayag ng Maynilad, dahil sa epekto ng COVID-19 at marami ang nawalan ng hanap-buhay hindi muna nila ipatutupad ang rate increase.
Ang naturang rate increase ay batay sa rebasing adjustment na nauna nang inaprubahan noong 2018 at ang mandated CPI inflation increase para sa taong 2021.
Sinabi ng Maynilad na pakikiisa nila ito sa pamahalaan upang patuloy na makahanap ng paraan upang maibsan ang hirap na dulot ng pagkakaroon ng COVID-19 pandemic.
MOST READ
LATEST STORIES