Mga Pinoy sa Vienna ligtas kasunod ng magkakahiwalay na pag-atake

Walang Pinoy na nadamay sa insidente ng pamamaril sa Vienna, Austria.

Ayon ito sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ni Executive Director for Strategic Communications Ivy Banzon-Abalos batay sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Vienna, ligtas ang mga Pinoy doon sa naganap na magkakahiwalay na pag-atake.

Inatake ng mga armadong lalaki ang anim na magkakahiwalay na lugar sa Vienna.

Isa na ang nasawi habang marami ang sugatan sa insidente.

Payo ng DFA sa mga Pinoy doon, sundin ang abiso ng mga otoridad na manatili lamang sa mga bahay at huwag munang lumabas.

 

 

 

 

 

Read more...