Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 37,000 pa

Umabot na sa lagpas 8.2 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 37,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 8,266,914 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.6 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 542,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na halos 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 123,139 na.

 

 

 

Read more...