Tatlong mga dam sa Luzon nagpapakawala ng tubig

Patuloy sa pagpapakawala ng tubig ang tatlong mga dam sa Luzon.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, Nov. 3 ay nasa 751.31 meters ang water level ng Ambuklao Dam.

Isang gate pa rin nito ang nakabukas.

Ang Binga dam naman dalawang gate na ang nakabukas.

Nasa 574.42 meters naman ang water level ng Binga dam. Tumaas pa kumpara sa 573.84 meters kahapon.

Samantala isang gate pa rin ang bukas ngayon sa Magat dam.

Nasa 188.38 meters naman ang water level ng Magat ngayong umaga.

 

 

 

 

Read more...