SMC naghahanda na ng relief operations sa Bicol at iba pang lugar na tinamaan ng bagyong Rolly
Inihahanda na ng San Miguel Corporation (SMC) ang isasagawa nitong relief operations para sa mga tinamaan ng bagyong Rolly sa Bicol Region at iba pa pang lalawigan sa Southern Luzon.
Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang inihahanda na ang food products para sa Albay, Catanduanes, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon Province, Romblon, Marinduque, Laguna, at Batangas.
“Right now, through our own people on the ground and upon coordination with various officials, we are trying to move as fast as we can to get food aid to hard-hit provinces,” ayon kay Ang.
Prayoridad ng San Miguel na mahatiran ng suplay ng pagkain ang mga apektadong residente.
Tiniyak ni Ang na nakikipag-ugnayan na sila sa mga LGU officials sa mga lugar na naapektuhan upang agad maiparatng ang tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.