Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag
Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 202.22 meters alas-6:00 umaga ng Martes (November 3) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 201.78 meters.
Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.02 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.62 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 78.83 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 78.69 meters.
Ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nanatili naman ang antas ng tubig ng Caliraya dam.
Samantala, patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.