5-Star rating target ng PAL ngayong 2016

By Erwin Aguilon March 15, 2016 - 03:45 PM

PAL
Inquirer file photo

Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-75 anibersaryo, inihayag ngayon ng Philippine Airlines ang target nila na makamit ang 5-star rating.

Ayon kay PAL President at CEO Jaime Bautista, nais nilang makamit ito sa loob ng limang taon sa pamamagitan ng service innovations, mga bagong ruta at fleet modernizations.

Sinabi ni Bautista na kabilang sa mga bagong ruta na kanilang bubuksan ngayong taon ay ang Manila-Doha, Qatar simula sa March 28 na mayroong limang byahe kada linggo at dalawang byahe kada linggo naman sa rutang Manila-Saipan sa Marianas, Island sa June 15.

Ngayong gabi, lilipad naman mula sa Cebu ang Philippine Airlines direkta patungong Los Angeles, California. Sa ngayon mayroong byahe ang flag carrier patungo sa tatlumpung domestic destinations at 43 international destination.

Bukod dito target din ng PAL na makapagsakay ng 14 na milyong mga pasahero ngayong taon mula sa 12 milyon noong nakalipas na taong 2015.

Ipinagmalaki rin ng PAL ang pagdating ng kanilang ika-75 eroplano mamayang gabi kasabay ng kanilang ika-75 anibersaryo.

TAGS: 2016, PAL, U.S, 2016, PAL, U.S

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.