Tropical Storm Rolly lalabas na ng bansa anumang oras
Matapos mag-iwan ng matinding pinsala ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility anumang oras ngayong Martes, Nov. 3 si Tropical Storm Rolly.
Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 450 kilometers West ng Iba, Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.
Wala naman na itong direktang epekto saanmang panig ng bansa.
Ang bagyong Rolly na mayroong international name na Goni ay nag-iwan ng matinding pinsala sa maraming lalawigan sa bansa partikular sa Catanduanes, Albay at Camarines Provinces.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.