COVID-19 cases sa Central Visayas, lagpas 22,500 na
By Angellic Jordan November 03, 2020 - 01:23 AM
Nagkaroon pa ng 47 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 2, 22,514 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.
Sa naturang bilang, 1,022 ang aktibo pang kaso.
Umabot sa 12 ang bagong gumaling kung kaya 20,150 na ang COVID-19 recoveries.
Isa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.
Dahil dito, 1,342 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.