Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, nasa 155
Napaulat ang 10 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:39, Lunes ng hapon (November 2), 5,481 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 155 ang aktibong kaso.
Wala nang itinuturing na probable cases habang 1,072 ang suspected cases kung saan 21,082 ang cleared na.
21 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,153 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 173 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.