Bagyong #RollyPH, patuloy na kumikilos pa-Kanluran
Patuloy ang kumikilos ang Tropical Storm Rolly sa direksyong pa-Kanluran, ayon sa PAGASA.
Batay sa severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 365 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales dakong 10:00 ng gabi.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sinabi ng PAGASA na hindi na direktang nakakaapekto ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Martes ng umaga, November 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.