10 residente sa Navotas City, nakauwi na matapos gumaling sa COVID-19

Nasa dalawa ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Lunes ng gabi (November 2), umakyat na sa kabuuang 5,145 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 62 ang aktibong kaso o katumbas ng 1.2 porsyento.

10 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,935 na ang total recoveries o 95.9 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Umakyat naman sa 148 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...