COVID-19 serology testing centers sa Maynila, muling bubuksan sa Nov. 3

By Angellic Jordan November 02, 2020 - 07:03 PM

Bubuksan na muli ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila simula sa araw ng Martes, November 3.

Ito ay makaraang isara dahil sa paghagupit ng Bagyong Rolly.

Inihayag ng Manila Health Department (MHD) na prayoridad nilang maipagpatuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa gitna ng banta ng COVID-19.

Narito ang walk-in testing centers sa lungsod:
– Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
– Ospital ng Tondo
– Justice Jose Abad Santos General Hospital
– Ospital ng Sampaloc
– Ospital ng Maynila

Narito naman ang drive-thru testing center sa lungsod:
– Quirino Grandstand

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng libreng swab testing sa Maynila para sa market vendors, hotel emoyees, mall workers at public transport drivers.

Sa huling tala, umabot na sa 10,095 ang sumailalim sa libreng swab test.

TAGS: COVID-19 serology testing centers in Manila, COVID-19 testing, COVID-19 testing in Manila, free swab testing in Manila, Inquirer News, Manila Health Department, Manila LGU COVID-19 response, Radyo Inquirer news, COVID-19 serology testing centers in Manila, COVID-19 testing, COVID-19 testing in Manila, free swab testing in Manila, Inquirer News, Manila Health Department, Manila LGU COVID-19 response, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.