Nasa Philippine Sea pa rin ang Tropical Storm Siony, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na huling namataan ang bagyo sa layong 655 kilometers Silangan ng Calayan, Cagayan bandang 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
May bilis na 25 kilometers per hour ang bagyo habang kumikilos pa-Hilaga.
Ani Rojas, nagdadala ng pag-ulan ang trough ng bagyo sa Hilagang bahagi ng Luzon.
Sinabi ng weather bureau na mananatili bilang Tropical Storm ang bagyo sa susunod na 36 hanggang 48 oras.
Ngunit habang papalapit sa extreme Northern Luzon, maaari aniyang lumakas ang bagyo at maging Severe Tropical Storm at habang tumatawid ng bansa ay posibleng umabot sa ‘Typhoon’ category.