Bagyong #RollyPH, inaasahang lalabas ng bansa bukas ng umaga
Nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Rolly.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang bagyo sa layong 225 kilometers Kanluran ng Iba, Zambales dakong 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Bagamat nasa bahagi na ng West Philippine Sea, nagdudulot pa rin aniya ang trough nito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Kanlurang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Inaasahang sa Martes ng umaga, November 3, ay nakalabas na ang bagyo sa teritoryo ng bansa.
Ani Rojas, wala na itong banta sa magiging lagay ng panahon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.