Recovery ops ng mga ahensya ng gobyerno sa mga nasalanta ng Bagyong #RollyPH, pinamamadali ni Pangulong Duterte

By Chona Yu November 02, 2020 - 05:20 PM

Photo credit: Sen. Bong Go

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang pagsasagawa ng recovery operations matapos manalasa ang bagyong Rolly.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, ito ay para agad na maibalik sa normal ang sitwasyon.

Pinatutukan ng Pangulo sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang agad na pagbabalik ng linya ng komunikasyon.

Matatandaang isa ang Catanduanes sa mga nawalan ng linya ng komunikasyon.

“Especially po dito sa DICT (Department of Information and Communications Technology), restoration ng communications natin. Sa Department of Energy, restoration ng electricity. Napaka-importante po nito, lalong-lalo na walang komunikasyon sa kanila,” pahayag ni Go.

“Not only that, pati DPWH (Department of Public Works and Highways), repair ng mga road and other infrastructure, lalo na po ‘yung mga critical at essential sa delivery ng goods. Ang DOTr (Department of Transportation) naman, restoration of travel by repairing damages sa mga airport and seaport dahil marami ring tinamaan din po,” dagdag ng Senador.

Pinamamadali rin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng food packs, non-food items, mga financial assistance, tents at iba habang inatasan naman ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng mga gamot, mask at hygiene kits.

TAGS: Bagyong Rolly, breaking news, Inquirer News, President Duterte on Typhoon Rolly, Radyo Inquirer news, recovery operations, RollyPH, Sen. Bong Go, Typhoon Rolly aftermath, Typhoon Rolly casualties, Typhoon Rolly devastation, Bagyong Rolly, breaking news, Inquirer News, President Duterte on Typhoon Rolly, Radyo Inquirer news, recovery operations, RollyPH, Sen. Bong Go, Typhoon Rolly aftermath, Typhoon Rolly casualties, Typhoon Rolly devastation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.