Magnitude 3.9 na lindol, yumanig sa Zamboanga del Norte

Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa Zamboanga del Norte, Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 86 kilometers Northwest ng Labason.

Naramdaman ang pagyanig dakong 2:29 ng hapon.

Sinabi ng ahensya na may lalim itong 32 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Labason at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...