P215-M halaga ng ilegal na sigarilyo at gulay, winasak ng BOC

By Angellic Jordan November 02, 2020 - 02:58 PM

Sinira ng Bureau of Customs – Port of Subic ang mga nasamsam na ilegal na sigarilyo at ilang gulay sa Porac, Pampanga.

Laman ng 6×40’ container vans ang kabuuang 5,810 master cases ng illegal cigarettes na may iba’t ibang brand tulad ng Fortune, Jackpot, Mighty, Two Moon, D&B, Seven Stars, Union at Marvels cigarettes.

Maliban dito, ang 3×40’ container vans naman ay naglalaman ng iba’t ibang klase ng mga nakumpiskang gulay.

Tinatayang aabot sa mahigit P215 milyon ang halaga ng mga winasak na produkto.

Tiniyak naman ng BOC – Port of Subic na mananatili silang nakaalerto para suportahan ang programa ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero upang mapaigting ang border protection at transparency sa publiko.

TAGS: BOC Port of Subic, counterfiet cigarettes, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BOC Port of Subic, counterfiet cigarettes, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.