Mahigit 26,000 pamilya sa CALABARZON, inilikas dahil sa bagyong Rolly

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2020 - 12:39 PM

Umabot sa mahigit 26,000 pamilya ang nilikas sa rehiyon ng CALABARZON dahil sa pananalasa at pinsala ng bagyong Rolly.

Batay ito sa datos ng DSWD Region 4-A mula sa ulat ng 93 LGUs sa CALABARZON.

Sa kabuuan, ayon sa DSWD, mayroong 26,635 na mga pamilya ang lumikas sa kanilang mga tahanan.

Sa nasabing bilang, nasa 22,000 na mga pamilya pa ang ay pansamantalang tumutuloy sa 1,010 na evacuation centers sa buong rehiyon.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Kagawaran sa lahat ng lokal na pamahalaan sa rehiyon upang matukoy ang kanilang pangangailangan at makapagpaabot ng nararapat na serbisyo.

Dona Dominguez-Cargullo

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dswd, Region 4A, Rolly aftermath, Typhoon Rolly, dswd, Region 4A, Rolly aftermath, Typhoon Rolly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.