Pangulong Duterte magtutungo sa Legazpi City, Albay

By Chona Yu November 02, 2020 - 12:21 PM

PCOO PHOTO

Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Dutetete ang Legazpi, Albay mamayang hapon.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Senador Bong Go na uunahin ni Pangulong Duterte na mapuntahan ang mga hardest hit area.

Magsasagawa rin aniya ang Pangulo ng aerial inspection sa probinsya ng Albay mamayang hapon.

Ito ay para makita ang lawak ng pinsala ng bagyo.

Sinabi pa ni Go na sila na lamang ni Pangulong Duterte ang mag-iikot mamayang hapon para hindi na makaistorbo sa ibang opisyal ng pamahalaan na abala sa pagsasagawa ng rescue at recovery operations.

Ipatatawag din aniya ng angulo ang lahat ng gabinete kabilang na ang mga kinatawan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Nais aniya ng pangulo na agad na maibalik sa normal ang sitwasyon matapos manalasa ang bagyong Rolly.

Biniweltahan pa ni Go ang mga kritiko na nagpa trending sa hashtag na #NasaanAngPangulo.

Ayon kay Go, hindi nangangahulugan na hindi nagtatrabaho ang pangulo kung hindi nakikita ng publiko at kung nanatili sa Davao City.

Katunayan, 24/7 aniya ang pagtatrabaho ng pangulo masiguro lamang ang kaligtasan ng bawat isa.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Albay, Legazpi City, president duterte, Typhoon Rolly, Albay, Legazpi City, president duterte, Typhoon Rolly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.