Tropical Storm Rolly napanatili ang lakas habang nasa West PH Sea

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2020 - 11:33 AM

Nananatili sa bahagi ng West Philippine Sea ang Tropical Storm Rolly.

Huling namataan ang bagyo sa layong 195 kilometers West ng Subic, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Inalis na ng PAGASA ang mga nakataas na tropical cyclone wind signal.

Bukas ng umaga inaasahang tuluyan nang lalabas ng bansa ang bagyo.

Inaasahang hihina pa ang bagyo at magiging tropical depression due na lamang.

 

 

 

TAGS: Pagasa, RollyPH, track of rolly, Tropical storm, weather, Pagasa, RollyPH, track of rolly, Tropical storm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.