Glan, Sarangani niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers northeast ng bayan ng Glan, alas-11:01 umaga ng Lunes (November 2).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity II – General Santos City; Alabel, Sarangani
Intensity I – Kidapawan City

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

Read more...