Pangulong Duterte umapela sa mga negosyante na huwag magtataas ng presyo sa mga pangunahing bilihin

By Chona Yu November 02, 2020 - 11:06 AM

Humihirit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon sa bagyong Rolly at magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, umiral sana ang bayanihan ngayong panahon ng kalamidad.

Ayon kay Roque, dahil sa mataas na demand ng pagkain sa mga lugar na nasalanta ng bagyo maaring samantalahin ito ng mga negosyante.

Nakabantay na aniya ang Department of Trade and Industry para maipatupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na base sa monitoring ng DTI, stable pa naman ang suplay ng nga pangunahing bilihin.

“Ayon naman po sa DTI, generally priced ang supply of basic necessities, ang prime commodities remain stable,” ayon kay Roque.

Bukod sa pagkain, asahan nang tatataas din ang demand sa construction materials na gagamitin sa pag aayos ng mga nasirang bahay na winasak ng bagyong rolly.

 

 

 

TAGS: dti, Harry Roque, Rolly aftermath, Typhoon Rolly, dti, Harry Roque, Rolly aftermath, Typhoon Rolly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.