Pauuwiin na ni Manila Mayor Isko Moreno sa kani kanilang mga tahanan ang mga evacuee na inilikas kahapon dahil sa bagyong Rolly.
Ito ay dahil sa unti-unti nang gumaganda ang lagay ng panahon.
Ayon kay Mayor Isko, pakakainin muna ng almusal at bibigyan ng relief goods ang mga evacuee bago payagang makauwi.
Aabot sa mahigit isang libong pamilya o mahigit 4,000 indibidwal ang inilikas kahapon.
Isang anim na buwang sanggol naman na nasa R. Almario evacuation center ang isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital dahil nahirapan huminga.
Isinailalim na sa swab test ang sanggol para ma determina kung may COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.