Mga mambabatas, nagbigay ng huling respeto kay dating Senate President Jovito Salonga
Nagbigay ng huling respeto mga dati at kasalukuyang mga senador sa yumaong dating Senate President Jovito Salonga sa isinasagawang necrological service sa senado.
Dumating sa senado ang mga dating senador na nakasama ni Salonga na sina fomer senators Leticia Ramos Shalani, Wigberto Tañada, Edgardo Angara Sr., Aquilino Pimentel Jr., Herson Alvarez at dating Senador José Lina.
Pinangunahan ni Senate President Franklin Drilon ang pagbibigay pugay kay Salonga sa mga naging kontribusyon nito sa senado at maging sa bayan sa pakikipaglaban noon sa rehimeng Marcos.
Bukod kay Drilon, dumalo rin ang mga kasalukuyang mga senador na sina Senators Loren Legarda, Serge Osmeña, Vicente Sotto III, Bam Aquino, Sonny Angara, Pia Cayetano at Teofisto TG Guingona III.
Former Senate Pres. Jovito Salonga brought to the Senate for the last time pic.twitter.com/9pwCJ3HnaU
— leila salaverria (@leisalaverria) March 15, 2016
Dumating din sa Necrological Service ang mga kongresista sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte, Representatives Henedina Abad, Giorgidi Aggabao, Sergio Apostol, Pangalian Balindong, Carlos Padilla, Roberto Puno, Neptali Gonzales at Cong. Ronaldo Zamora.
Dumalo rin ang mga cabinet members nasi sina Health Sec. Janette Garin, Defense Sec. Voltaire Gazmin, Tourism Sec. Ramon Jimenez, at DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya.
Ang mga kamag-anak naman ni dating senador Salonga ay nagpunta rin sa senado kabilang si Ricardo Salonga, Esteban Solonga, at Eduardo Salonga.
Dumating din ang dating alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim, at dating Vice President Teofisto Guingona Jr.
Naging senate President si Salonga noong 1987 hanggang 1991 kung saan naging popular siya nang mangunang bumoto na patalsikin ang base militar ng Estados Unidos sa bansa.
Namatay si Salonga sa edad na 95-anyos matapos na atakihin nitong nakaraang Huwebes sa Philippine Heart Center.
Sa pagbibigay ng kanyang eulogy inilarawan ni dating Senador Rene Saguisag ang mga naging kontribuston at kabayanihan ni Salonga para sa bayan.
Sinabi rin ni dating Senador Alvarez na si Salonga ay bahagi ng sagisag ng natatamasang kalayaan ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.