Halos kalahating milyon nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa magdamag

Umabot sa halos kalahating milyon ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Nov. 2) ay 46,804,423 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 436,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 71,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 46,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 10,000 na mga kaso.

Ang France ay nakapagtala ng mahigit 46,000 na bagong kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 9,473,720
India – 8,229,322
Brazil – 5,545,705
Russia – 1,636,781
France – 1,413,915
Spain – 1,264,517
Argentina – 1,173,533
Colombia – 1,083,321
UK – 1,034,914
Mexico – 924,962

 

 

 

 

 

Read more...