Apat na mga dam sa Luzon nagpapakawala ng tubig

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2020 - 08:57 AM

Patuloy sa pagpapakawala ng tubig ang apat na mga dam sa Luzon.

Sa update mula sa PAGASA, ang Ipo dam ay mayroong isang gate na nakabukas.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, Nov. 2 ay nasa 100.62 meters ang water lelvel ng dam.

Nadagdagan ito ng bahagya kumpara sa 100.48 meters na antas nito kahapon.

Nagpapakawala pa din ng tubig ang Ambuklao dam at mayroong isang gate na nakabukas.

Ang antas ng tubig sa Ambuklao dam ay nasa 751.24 meters.

Ang Binga dam naman ay mayroon ding isang gate na nakabukas.

Nasa 573.84 meters naman ang water level ng Binga dam

Habang mula sa dalawang gate na nakabukas kahapon, isa gate na lamang ang bukas ngayon sa Magat dam.

Nasa 188.58 naman ang water level ng Magat ngayong umaga.

 

 

 

TAGS: Ambuklao dam, Binga dam, dam discharge, Ipo dam, Magat Dam, Ambuklao dam, Binga dam, dam discharge, Ipo dam, Magat Dam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.