Wala pa ring kuryente at network signal sa Catanduanes

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2020 - 08:12 AM

Hirap pa din ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na makakuha ng datos sa pinsala ng bagyong Rolly sa Catanduanes.

Ito ay dahil sa nananatiling walang suplay ng kuryente at walang network signal sa naturang lalawigan matapos ang pagtama ng bagyo.

Ayon sa NDRRMC, puro satellite at radio communications ang nagagawa sa lalawigan.

Limitado din at tinitipid ang paggamit nila ng enerhiya.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang assessment ng mga local disaster office sa pinsala ng Bagyo sa Bicol, Quezon Province at Catanduanes.

 

 

 

TAGS: catanduanes, network service, power supply, RollyPH, weather, catanduanes, network service, power supply, RollyPH, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.