LRT, MRT balik-operasyon na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2020 - 06:34 AM

Balik na sa normal ang biyahe ng mga tren ng MRT at LRT matapos na masuspinde kahapon dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.

Ayon sa abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) natapos na ang paglilinis sa mga riles kaya nakapag-resume sa tamang oras ang biyahe ng LRT-1.

Alas 4:30 ng madaling araw ngayong Lunes (Nov. 2) ay nakabiyahe ang mga tren ng LRT-1.

Nakapag-resume na din ng biyahe ang MRT-3.

Alas 6:00 ng umaga ngayong araw ay mayroong 17 tren na operational at bumibiyahe.

Ang LRT-2 din ay balik na sa normal na operasyon.

Alas 5:00 ng umaga kanina, 5 tren nito ang bumibiyahe.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, lrt 1, LRT 2, mass transportation, MRT, News in the Philippines, normal operations, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, lrt 1, LRT 2, mass transportation, MRT, News in the Philippines, normal operations, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.