Nasawi sa pananalasa ng Typhoon Rolly umakyat na sa sampu

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2020 - 05:31 AM

Nakapagtala na ng sampung nasawi dahil sa pananalasa ng Typhoon Rolly sa Bicol Region.

Sa datos mula sa Office of Civil Defense (OCD) siyam sa mga nasawi ay mula sa lalawigan ng Albay at isa sa Catanduanes.

Kabilang sa nasawi sa Albay ang tatlong katao mula sa bayan ng Guinobatan, dalawa mula sa Malinao, at tig-iisa sa Daraga, Oas, Polangui, at Tabaco City.

Nakapagtala din ng tatlong nawawala sa Guinobatan.

Umabot sa 180 bahay ang natabunan ng lahar sa naturang bayan.

Samantala, nakapagtala naman ng 108,831 na pamilya na inilikas o aabot sa 390,298 na katao.

 

 

TAGS: Albay, Bicol Region, ocd, Pagasa, RollyPH, Typhoon Aftermath, weather, Albay, Bicol Region, ocd, Pagasa, RollyPH, Typhoon Aftermath, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.