Tumama ang magnitude 3.1 na lindol sa Bukidnon, Linggo ng gabi.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 17 kilometers Northwest ng Kalilangan.
Tumama ang pagyanig dakong 10:36 ng gabi.
May lalim itong isang kilometro at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Kalilangan at mga karatig-bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.