EDSA busway, balik-operasyon sa Nov. 2

Magbabalik na sa normal na operasyon ang EDSA Busway sa araw ng Lunes, November 2.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), magbabalik ang operasyon simula 4:00 ng madaling-araw.

Una nang sinuspinde ang operasyon ng EDSA Busway ganap na 1:00, Linggo ng hapon (November 1).

Ito ay dahil sa naranasang sama ng panahon dulot ng Bagyong Rolly.

Read more...