1,740 sako ng bigas, ipamamahagi ng PNP sa mga naapektuhan ng Bagyong #RollyPH
Ipamamahagi ng Philippine National Police (PNP) ang halos 2,000 sako ng bigas para sa mga lubos na naapektuhan ng Bagyong Rolly.
Ayon sa PNP, ang kabuuang 1,740 sako ng bigas ay mula sa PNP Food Bank.
Naka-standby na ang PNP trucks upang magbigay ng libreng transportasyon sa mga residenteng na-stranded pabalik sa kani-kanilang lugar.
Maliban dito, handa rin ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng PNP National Headquarters at ang Search and Rescue Units sakaling kailanganin ng agarang pagresponde sa mga apektadong lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.