Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (November 1, 3:00 PM) nakapagtala ng 311 na bagong kaso kaya pumalo na sa 53,991 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,113
Laguna – 15,057
Batangas -9,389
Rizal – 10,754
Quezon – 3,678
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,608.
Nasa 44,945 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 634 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 12,705
Laguna – 13,404
Batangas – 8,322
Rizal – 8,314
Quezon – 2,200
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 1,438 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 397
Laguna – 310
Batangas – 269
Rizal – 354
Quezon – 108
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay