Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 9,817

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, October 31), nadagdagan ng 69 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 9,817.

Sa nasabing bilang 673 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 378 kung saan nakapagtala ng 5 bagong nasawi.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 10,868 na.

Read more...