Bilang ng mga nakarecover sa Mandaluyong City 5,132 na

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, November 1, 2:13 PM), umabot na sa 5,132 ang bilang ng mga nakarecover sa lungsod kung saan nakapagtala ng 11 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga active cases ay 166 kung saan 8 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 173.

Umabot naman na sa 5,471 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng suspected cases ay 1,072 habang walang naitalang probable.

Read more...