#RollyPH nag-landfall sa Lobo, Batangas; Nasa West Philippine Sea na
Muling nag-landfall ang Typhoon Rolly sa bansa, ayon sa PAGASA.
Sa huling severe weather bulletin, tumama ang bagyo sa bisinidad ng Lobo, Batangas bandang 5:30 ng hapon. Ito ang ika-apat na pag-landfall ng bagyo sa bansa.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 120 kilometers Kanluran ng calapan City, Oriental Mindoro dakong 7:00 ng gabi.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 125 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers per hour.
Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 25 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
The southwestern portion of Batangas (Tingloy, Mabini, Bauan, San Luis, Taal, Santa Teresita, Alitagtag, Taal lake, San Nicolas, Talisay, Laurel, Agoncillo, Lemery, Calaca, Balayan, Tuy, Nasugbu, Lian, Calatagan) at northwestern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Mamburao, Paluan)
Signal no. 2:
Cavite, nalalabing bahagi ng Batangas, northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan City, Naujan, Victoria, Pola), at central portion ng Occidental Mindoro (Santa Cruz, Sablayan)
Signal no. 1:
Southern portion ng Zambales (San Marcelino, San Felipe, San Narciso, San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay nasa bahagi na ng West Philippine Sea at inaasahang lalabas ng teritoryo ng bansa sa Martes ng umaga, November 3.
Sinabi rin ng weather bureau na posibleng humina ang bagyo at maging severe tropical storm sa susunod na 24 oras.
Gayunman, babala pa rin ng weather bureau, asahan ang moderate to heavy rains sa Aurora, at eastern portions ng mainland Cagayan at Isabela.
Light to moderate na kung minsan ay heavy rains ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, CAR, Ilocos region, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao at nalalabing parte ng mainland Cagayan Valley at Central Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.