Ilang lalawigan, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan November 01, 2020 - 08:41 PM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon dulot pa rin ng Typhoon Rolly.

Sa abiso ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, inalis na ang lahat ng rainfall warnings sa Quezon at Batangas.

Mararanasan pa rin ang mahina hanggang katamtaman pag-ulan sa Zambales, Cavite, Batangas, Bataan at Pampanga.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, weather update November 1, breaking news, heavy rainfall warning, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, weather update November 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.