Ilang residente sa Barangay Santolan, Pasig inilikas na rin

By Angellic Jordan November 01, 2020 - 07:51 PM

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Twitter
Photo credit: Mayor Vico Sotto/Twitter

Nagsagawa ng preemptive evacuation sa bahagi ng Barangay Santolan sa Pasig City.

Ito ay matapos maapektuhan ng Typhoon Rolly.

Hiniling naman ni Mayor Vico Sotto ang kooperasyon ng mga residente.

“Pag sinabi ng Incident Management Team na kailangan lumikas, cooperate tayo agad. Mas mabuti nang sumobra tayo sa pag-iingat kaysa sa nagkulang,” pahayag ng alkalde

Base aniya sa huling datos ng Pasig City DRRMO hanggang 7:03 ng gabi, 32 pamilya o 153 katao ang nananatili sa Ilaya Covered Court.

Nasa walong pamilya o 38 indibidwal naman ang nananatili sa Rosario Elementary School hanggang 7:13 ng gabi.

TAGS: Bagyong Rolly, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RollyPH, Typhoon Rolly, weather update November 1, Bagyong Rolly, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RollyPH, Typhoon Rolly, weather update November 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.