Mga inilikas na pamilya sa Maynila, nasa 551 na

Photo by: Chona Yu

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang inilikas sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay dahil pa rin sa epekto ng Bagyong Rolly.

Sa datos ng Manila Public Information Office hanggang 6:00 ng gabi, nasa 551 pamilya na ang inilikas.

Sa nasabing bilang, 148 pamilya ang nananatili sa Baseco Evacuation Center at 120 pamilya sa Rosauro Almario Elementary School.

Nasa 87 pamilya naman ang dinala sa Barangay 101 covered court, 156 sa Barangay 128 complex at 40 sa Barangay 105 covered court.

Read more...