Lotto draw, suspendido hanggang Nov. 2 dahil sa Bagyong #RollyPH

Pansamantalang sinuspinde ang lottery draws bunsod ng nararanasang sama ng panahon dulot ng Typhoon Rolly.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), suspendido ang lotto draw mula November 1 hanggang 2, 2020.

“This shall cover all games for the 2PM, 5PM, and the 9PM draws,” pahayag ng PCSO.

Magbabalik naman ang lottery draws sa araw ng Martes, November 3.

“For the Lotto Outlet’s operations, selling of tickets and prize claims for low-tier prizes shall continue in areas not affected by the typhoon,” dagdag pa ng PCSO.

Mag-aabiso naman ang PCSO sa publiko sakaling magkaroon pa ng karagdagang adjustment.

Read more...