Cavite, isinailalim na sa state of calamity dahil sa #RollyPH
By Angellic Jordan November 01, 2020 - 06:18 PM
Isinailalim na ang probinsya ng Cavite sa state of calamity.
Ito ay bunsod pa rin ng Typhoon Rolly.
Inanunsiyo ito mismo ni Governor Jonvic Remulla sa Twitter.
Sinabi ng gobernador na nasa state of calamity na ang Cavite sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 1618-2020.
Sa ngayon, nananatili sa Signal no. 4 ang naturang lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.