LOOK: Ilang paliparan, nagtamo ng pinsala dulot ng Bagyong #RollyPH

By Angellic Jordan November 01, 2020 - 07:23 PM

CAAP photos

Nagtamo ng pinsala ang ilang paliparan dahil sa Typhoon Rolly.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kabilang sa mga napinsala ng bagyo ang Legazpi Airport at Naga Airport.

Nagkaroon ng minimal damage sa ceiling boards at runway lights ng passenger terminal building ng Legazpi Airport.

Agad nagsagawa ng clearing operations at inaasahang magbabalik din ang operasyon sa Linggo ng gabi (November 1) o sa Lunes (November 2).

Pansamantala namang inihinto ang operasyon sa Virac Airport at Naga Airport simula Sabado ng hapon, October 31.

CAAP photos

Ayon sa CAAP, nagtamo ng serious damages ang Naga Airport, lalo na sa passenger terminal building nito.

Samantala, wala namang napaulat na pinsala sa Masbate Airport, Sangley Airport at CAAP airports sa Area 8 (Eastern Visayas) sa bahagi ng Biliran, Borongan, Calbayog, Catarman, Catbalogan, Tacloban, Guiuan, Holongos, Maasin at Ormoc.

Tiniyak nito na nakataas pa rin sa high alert ang CAAP airport managers at mahigpit na tinututukan at nagsasagawa ng inspeksyon sa mga paliparan.

CAAP photos

TAGS: breaking news, CAAP airports, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, Typhoon Rolly devastation, Typhoon Rolly effect, weather update November 1, breaking news, CAAP airports, Inquirer News, Radyo Inquirer news, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, Typhoon Rolly devastation, Typhoon Rolly effect, weather update November 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.