Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, ito ay dulot pa rin ng Typhoon Rolly.
Nakataas ang yellow warning sa Quezon (San Antonio, Tiaong, Candelaria, Dolores, Sariaya, Lucena, Tayabas, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Pitogo, Gumaca, Macalelon, General Luna, Lopez, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, Catanauan, Mulanay, San Narciso, San Andres at San Francisco); Batangas.
Mararanasan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, at nalalabing bahagi ng Quezon.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.