MMDA naka-‘standby alert’ dahil sa bagyong #RollyPH

By Jan Escosio November 01, 2020 - 04:32 PM

‘Ready for deployment’ na ang emergency personnel ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para rumesponde sa mga sitwasyon sa Metro Manila na idudulot ng bagyong Rolly.

Sa abiso ng ahensiya, ang kanilang mga tauhan, partikular na ang Metropolitan Public Safety Office, ay maaring tumulong sa road clearing, quick response at rescue.

At para maiwasan ang pagbaha, pinagana ang 56 pumping stations sa Metro Manila at naka-stand by din ang mga tauhan ng Flood Control and Sewerage Management Office.

Nakahanda na rin ang mga gamit ng ahensiya, tulad ng rubber boats, ambulansiya at rescue vehicles.

Nakatutok sa monitoring ang mga tauhan ng Metro Manila Crisis Monitoring and Management Center at sila ay nakikipag-ugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management Units ng 17 LGUs.

TAGS: breaking news, Inquirer News, mmda, MMDA standby alert due to Typhoon Rolly, Pagasa, Radyo Inquirer news, Rolly fatalities, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, weather update November 1, breaking news, Inquirer News, mmda, MMDA standby alert due to Typhoon Rolly, Pagasa, Radyo Inquirer news, Rolly fatalities, RollyPH, typhoon goni, Typhoon Rolly, weather update November 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.