Manila Water may dagdag singil din sa Abril
Gaya ng Maynilad, magpapatupad din ng dagdag singil sa tubig ang Manila Water sa buwan ng Abril.
Ayon sa Manila Water, ang pagbabago sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) ang dahilan ng ipatutupad nilang P0.26 per cubic meter na dagdag sa halaga ng tubig.
Sa pagtaya ng Manila Water, ang mga consumer na kumokonsumo ng 10 cubic meters kada buwan ay makararanas ng dagdag na P0.59 o mula sa P133.06 na bayarin ay magiging P133.65.
Habang ang mga costumer naman na ang konsumo ay 20 cubic meters kada buwan ay may dagdag na P1.31 sa kanilang bill o bayarin na mula P293.26 ay magiging P294.57.
Para naman sa mga customers na ang konsumo ay 30 cubic meters madaragdagan ng P2.67 kada buwan ang kanilang bayarin o mula sa P597.04 na bill ay magiging P599.71.
Una nang nag-anunsyo ng P0.12 na dagdag singil ang Maynilad Water Services Inc., kahapon.
Sa pagtaya ng Maynilad, ang water bill ng mga customers na kumokonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa pa kada buwan ay madaragdagan ng P0.15.
Ang mga nasa 20 cubic meters naman ang konsumo kada buwan ay madaragdagan ng P0.57 sa kanilang water bill.
Habang ang mga customers na ang konsumo ay nasa 30 cubic meters kada bwuan ay aabot sa P1.17 ang dagdag sa kanilang bill sa buwan ng Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.